Sunday, September 9, 2012

PANANAW KO SA EDUKASYON


 “ EDUKASYON ANG SOLUSYON” --- ito ang sabi ng dating kalihim ng DepEd na si Sec.Jeslie Lapus . Ngunit paano nga ba natin mahahanap ang solusyon sa edukasyon? Maraming mga tao ang nagsasabi na ang edukasyon ay para lamang sa mga taong mahihirap. Kung isa ka sa mga nag-iisip nito ay nagkakamali ka. Lahat ng tao ay nabiyayaan ng Diyos ng angking talino at edukasyon ang siyang nagpapayaman pa dito.
Madalas marinig mula sa mga magulang na ‘di kayang pag-aralin ang anak ang “Wala kaming pera pangmatrikula ng aming mga anak” ngunit sapat na ba ito upang hindi pag-aralin ang mga kawawang munting musmos? Pero yun nga dapat ang kanilang bigyan ng diin. Kailangan nating magtiyaga at magpursige upang iahon natin an gating mga sarili mula sa kahirapan.
Edukasyon ang makapagsasabi kung saan tayo nararapat. Maging propesyonal na doktor, nars, guro, inhenyero o maging isang abogado --- dito tayo dadalhin ng edukasyon basta may pagsisikap at pagpupursige kaya nating iahon an gating mga sasrili mula sa kahirapan. Maraming matatagumpay na personalidad ang nagpatunay na makapangyarihan edukasyon dahil sa ito’y nagpapabago ng estado n gating buhay.

5 comments:

  1. Oo, edukasyon ang solusyon upang mas mapaunlad ang ating bansa at maging ang ating sarili, ngunit hindi ibig sabihin na nakapagtapos ang isang tao ay siguradong may naghihintay ng magandang trabaho para sa kanya, kinakailangan parin natin ng sipag, tiyaga at diskarte sa buhay upang makamit ang minimithi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat lang na magkaroon ng pagsisikap sa pag aaral upang mas mapaunlad natin ang ating sarili :)

      Delete
  2. Kailangan nga natin ng sipag, tiyaga at diskarte upang tayo ay makaahon, pero achievement narin sa atin ang makapag tapos ng pag aaral upang may maipagmalaki at may kapaki pakinabang sa bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabihin na nating achievement ang makapagtapos ng pag aaral ngunit hindi lang naman makikita sa pagtatapos ng pag aaral ang kapaki pakinabang natin sa bansa, makikita din yun kung tayo'y magtutulungan, magkakaisa at magiging isang mabuting mamamayan sa bansa.

      Delete
  3. Tama, lahat ay nabiyayaan ng Diyos ng angking galing at talino kung kaya gamitin natin ito sa tama.

    ReplyDelete