Sunday, September 9, 2012

PAGBABAGONG KINAKAHARAP NG KABATAAN SA IKA-21 NA SIGLO


Mabilis ang pagbabago ng mga kabataan.Hindi natin alam kung ano ang mga posibleng pagbabago ng mga ito sa hinaharap. Ngunit ngayon pa lamang, madalas nating isipin na ang mga kabataan ay mapupusok at padalos-dalos.
Hindi ko ito maitatanggi. Ngunit madalas saating mga Pilipino ang lahatin natin o tinatawag na generalization sabi nga sa ingles. Ngunit imbes na ating pababain ang kanilang pag-asa at ipamukha pa lalo ang mga kasalanan, bakit hindi niyo subukan ang affirmation? O ang pagpapabago sakanila gamit ang paraan na pagiging postibo.
Lahat tayo ay nararapat mabigyan ng pagkakataong magbago at kung ang pagbabagong ito ay para sa nakakabubuti, bakit hindi natin sila tulungan na linisan at paunlarin ang reputasyon ng mga kabataan? Nang sa ganoon, ay magkaroon ng pagkakaisa matanda man o bata, lalaki man o babae, mahirap man o mayaman. Lahat tayo ay dapat magkaisa sa iisang layunin para sa ikabubuti ng lahat.

4 comments:

  1. Hindi naman lahat ng kabataan ay naiimpluwensyahan ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran, sila yung mga kabataan na nag iisip muna kung ano ang maaaring kahinatnan bago nila ito gawin.

    ReplyDelete
  2. Tama. Kaya huwag nating hayaan na madagdagan pa ang kabataang nalilihis ng landas bagkus gabayan ang mga ito.

    ReplyDelete
  3. Sabi nga ang kabataan ang pag asa ng bayan, kaya tulungan natin ang mga ito upang magkaroon ng bukas na isipan kung ano ang tama't mali.

    ReplyDelete
  4. kailangan talaga dapat nang maganda at mahusay na gabay para sa kabataan sa ngayun!!! Sakit.info

    ReplyDelete