Sunday, September 9, 2012

PAGBABAGONG KINAKAHARAP NG KABATAAN SA IKA-21 NA SIGLO


Mabilis ang pagbabago ng mga kabataan.Hindi natin alam kung ano ang mga posibleng pagbabago ng mga ito sa hinaharap. Ngunit ngayon pa lamang, madalas nating isipin na ang mga kabataan ay mapupusok at padalos-dalos.
Hindi ko ito maitatanggi. Ngunit madalas saating mga Pilipino ang lahatin natin o tinatawag na generalization sabi nga sa ingles. Ngunit imbes na ating pababain ang kanilang pag-asa at ipamukha pa lalo ang mga kasalanan, bakit hindi niyo subukan ang affirmation? O ang pagpapabago sakanila gamit ang paraan na pagiging postibo.
Lahat tayo ay nararapat mabigyan ng pagkakataong magbago at kung ang pagbabagong ito ay para sa nakakabubuti, bakit hindi natin sila tulungan na linisan at paunlarin ang reputasyon ng mga kabataan? Nang sa ganoon, ay magkaroon ng pagkakaisa matanda man o bata, lalaki man o babae, mahirap man o mayaman. Lahat tayo ay dapat magkaisa sa iisang layunin para sa ikabubuti ng lahat.

MEDIA: ANG IMPLIKASYON NITO SA MGA KABATAAN


Dahil sa patuloy na paggaling ng teknolohiya ay kaakibat na rin nito ang pagkalat ng media. Ano nga ba ang media? Ito ay komunikasyon sa masa. Ang radio, tv, diyaryo at iba pang babasahin na nagpapahayag ng anumang impormasyon ay matatawag nating media.
Malaki ang epekto ng media sa mga kabataan, dahil ayon na rin kay John Watson na isang psychologist ay “WHAT WE SEE, WE IMITATE”. Posibleng dahil sa maling paggamit ng media ay maaari itong magdulot ng matinding epekto saating buhay. Isa sa mga konkretong halimbawa ay ang batang namatay dahil sa kaniyang paggaya sa isa sa kanyang napanuod sa tv kung saan ang kanyang idolo ay nagbitay. Naisip ng batang iyon na hindi naman totoong mamamatay ang kanyang idolo dahil nga sa kasalukuyang panahon ay patuloy itong nabubuhay. Ayos sa imbestigasyon ng mga pulis ay my malaking pananagutan ditto ang mass media na siya naman talagang may katotohanan.
Isa pang pruweba ay ang mga kabataang nawiwili sa panunuod ng mga pornographic films na siyang nagpapataas nakanilang sexual desire kaya rin nangyayari ang mga teenage pregnancy na nauuwi sa aborsyon.
 Tunay na ang mass media ay may malaking epekto at kontribyusyon sa buhay ng isang tao. Kung ating matatandaan , ito ang ginamit na paraan n gating pambansang bayani sa pagpukaw at paggising ng damdamin ng mamamayang Pilipino. Sinulat niya ang Noli Mi tangere at El filibusterismo na siya namang nagkaroon ng matinding epekto sa mga Pilipino at dahil dito ay nagkaroon tayo ng layunin na bawiin ang sarili nating bansa mula sa mga mapangabusing prayle.
Ito ay ilan sa mga epekto ng mass media. Maaring magamit sa mabuti at maari rin na sa masama. Anuman ang gamit nito sa ating buhay, siguraduhin nating gamitin natin ito sa tamang paraan upang magdulot ng kaayusan at kawastuhan sa ating minamahal na lipunan.

MGA SOSYO-PULITIKAL NA ISYU


Sa bansang Pilipinas, marami tayong mapapansin pagdating sa pulitika at pati narin sa lipunan. May mga taong nakaupo na dapat hindi naman talaga. May mga taong tahimik kung kumilos pagdating sa sari-sarili nilang agenda. Pero sabi  nga nila, sa lahat ng bagay , may dahilan. Ngunit bakit? Paano na lamang ang mga pilipinong mahirap na mas lalong naghihirap at mga pilipinong mayayaman na mas lalong yumayaman?

Nasaan ang hustisya? Nasaan ang pagkakapantay-pantay ng mga taong likha ng Diyos. Hindi ba’t ang mundo ay hindi lamang sa mga mayayamang tao kundi para sa lahat? Ngunit hindi ito ang nakikita ng aking mga mata. Dahil sa maling pagkakaluklok ng mga taong napili na maupo ay mas lalong bumibigat ang problema na kinakaharap ng ating bansa. Narito ang samu’t saring ahas na nabubuhay kasama ang dungis ng makamundong mga bagay.

Hindi ko sinasabing ito’y kasalanan lamang nila. Ngunit tayo mismo, ay  may mga kasalanan din. Oo, kasalanan natin na manatiling natatapakan ng mga taong matataas. Kasalanan din natin kung bakit tayo naghihirap dahil maaring dahil na rin sa tuloy-tuloy na paglobo ng ating batang populasyon. Hanggang kalian kaya tayong mananatiling bigo at at magbubulag-bulaga sa demokrasyang ito? Dahil maging ako, isang estudyante, ay patuloy na naghuhumikahos dahil sa mga bagay na dulot ng di pagkapantay-pantay ng mga tao.
Madaming kinakaharap na problema ang ating bansa. Huwag mong hayaan na pati ikaw ay problemahin rin ng sarili mong bansa. Kung gusto natin ng pag-babago, ito ay dapat magsimula saating mga sarili upang maipakalat sa mga susunod na henerasyon ang magandang pagbabago na magsisimula sayo. Nasa kamay natin  ang pag-asa n gating bayan. Kailangan nating maging mahusay,praktikal at maingat sa lahat ng mga bagay na pipiliin natin.

PAG-AASAAWA SA WASTONG EDAD AT MATYURIDAD


Kung ating papansinin, maraming kabataan ang maagang nag-aasawa dahil sa kakulangan ng kaalaman na maaring idulot sakanila ng maagang pag-aasawa. Hindi ito maitatanggi dahil sa lumulobo at batang populasyon.
Ang pag-aasawa sa wastong edad at matyuridad ay maraming benipisyo at talaga namang maraming magandang maisusulot sa buhay ng isang tao. Madaming tao ngayon ang padalos-dalos sa pag-aasawa. Ang pag-ibig ay makapaghihintay, kusa itong ibinibigay ng Diyos sa tamang oras at panaghon.
Kung tayoy maghihintay sa tama at wastong edad, magkakaroon tayo ng sapat na kaalaman sa pag-aasawa at malalaman natin na ang pag-aasawa ay hindi lamang puro sarap sa buhay kundi kaakibat din nito ang samu’t saring problema na kaya lamang solusyunan ng isang taong may sapat na kaalaman sa pag-aasawa at iyon ay ang taong nasa tamang edad na.
Tandaan na ang pag-aasawa ang sagrado sa buhay ng isang tao. Hindi maaring mag-asawa ng ilang beses bagamat ito’y legal sa lipunan, ito’y karumaldumal sa mata n gating Diyos. Sa bawat desisyon , kailangan natin itong pag-isipan mabuti dahil kung hindi, maari kang magdusa panghabang buhay.

PANANAW KO SA EDUKASYON


 “ EDUKASYON ANG SOLUSYON” --- ito ang sabi ng dating kalihim ng DepEd na si Sec.Jeslie Lapus . Ngunit paano nga ba natin mahahanap ang solusyon sa edukasyon? Maraming mga tao ang nagsasabi na ang edukasyon ay para lamang sa mga taong mahihirap. Kung isa ka sa mga nag-iisip nito ay nagkakamali ka. Lahat ng tao ay nabiyayaan ng Diyos ng angking talino at edukasyon ang siyang nagpapayaman pa dito.
Madalas marinig mula sa mga magulang na ‘di kayang pag-aralin ang anak ang “Wala kaming pera pangmatrikula ng aming mga anak” ngunit sapat na ba ito upang hindi pag-aralin ang mga kawawang munting musmos? Pero yun nga dapat ang kanilang bigyan ng diin. Kailangan nating magtiyaga at magpursige upang iahon natin an gating mga sarili mula sa kahirapan.
Edukasyon ang makapagsasabi kung saan tayo nararapat. Maging propesyonal na doktor, nars, guro, inhenyero o maging isang abogado --- dito tayo dadalhin ng edukasyon basta may pagsisikap at pagpupursige kaya nating iahon an gating mga sasrili mula sa kahirapan. Maraming matatagumpay na personalidad ang nagpatunay na makapangyarihan edukasyon dahil sa ito’y nagpapabago ng estado n gating buhay.