Dahil sa patuloy na paggaling ng
teknolohiya ay kaakibat na rin nito ang pagkalat ng media. Ano nga ba ang
media? Ito ay komunikasyon sa masa. Ang radio, tv, diyaryo at iba pang babasahin
na nagpapahayag ng anumang impormasyon ay matatawag nating media.
Malaki ang epekto ng media sa mga
kabataan, dahil ayon na rin kay John Watson na isang psychologist ay “WHAT WE
SEE, WE IMITATE”. Posibleng dahil sa maling paggamit ng media ay maaari itong
magdulot ng matinding epekto saating buhay. Isa sa mga konkretong halimbawa ay
ang batang namatay dahil sa kaniyang paggaya sa isa sa kanyang napanuod sa tv
kung saan ang kanyang idolo ay nagbitay. Naisip ng batang iyon na hindi naman
totoong mamamatay ang kanyang idolo dahil nga sa kasalukuyang panahon ay
patuloy itong nabubuhay. Ayos sa imbestigasyon ng mga pulis ay my malaking
pananagutan ditto ang mass media na siya naman talagang may katotohanan.
Isa pang pruweba ay ang mga kabataang
nawiwili sa panunuod ng mga pornographic films na siyang nagpapataas nakanilang
sexual desire kaya rin nangyayari ang mga teenage pregnancy na nauuwi sa
aborsyon.
Tunay na ang mass media ay may malaking epekto
at kontribyusyon sa buhay ng isang tao. Kung ating matatandaan , ito ang
ginamit na paraan n gating pambansang bayani sa pagpukaw at paggising ng
damdamin ng mamamayang Pilipino. Sinulat niya ang Noli Mi tangere at El
filibusterismo na siya namang nagkaroon ng matinding epekto sa mga Pilipino at
dahil dito ay nagkaroon tayo ng layunin na bawiin ang sarili nating bansa mula
sa mga mapangabusing prayle.
Ito ay ilan sa mga epekto ng mass
media. Maaring magamit sa mabuti at maari rin na sa masama. Anuman ang gamit
nito sa ating buhay, siguraduhin nating gamitin natin ito sa tamang paraan
upang magdulot ng kaayusan at kawastuhan sa ating minamahal na lipunan.
No comments:
Post a Comment