Mabilis ang pagbabago ng mga
kabataan.Hindi natin alam kung ano ang mga posibleng pagbabago ng mga ito sa
hinaharap. Ngunit ngayon pa lamang, madalas nating isipin na ang mga kabataan
ay mapupusok at padalos-dalos.
Hindi ko ito maitatanggi. Ngunit
madalas saating mga Pilipino ang lahatin natin o tinatawag na generalization
sabi nga sa ingles. Ngunit imbes na ating pababain ang kanilang pag-asa at
ipamukha pa lalo ang mga kasalanan, bakit hindi niyo subukan ang affirmation? O
ang pagpapabago sakanila gamit ang paraan na pagiging postibo.
Lahat tayo ay nararapat mabigyan ng
pagkakataong magbago at kung ang pagbabagong ito ay para sa nakakabubuti, bakit
hindi natin sila tulungan na linisan at paunlarin ang reputasyon ng mga
kabataan? Nang sa ganoon, ay magkaroon ng pagkakaisa matanda man o bata, lalaki
man o babae, mahirap man o mayaman. Lahat tayo ay dapat magkaisa sa iisang
layunin para sa ikabubuti ng lahat.