Sunday, September 9, 2012

MGA SOSYO-PULITIKAL NA ISYU


Sa bansang Pilipinas, marami tayong mapapansin pagdating sa pulitika at pati narin sa lipunan. May mga taong nakaupo na dapat hindi naman talaga. May mga taong tahimik kung kumilos pagdating sa sari-sarili nilang agenda. Pero sabi  nga nila, sa lahat ng bagay , may dahilan. Ngunit bakit? Paano na lamang ang mga pilipinong mahirap na mas lalong naghihirap at mga pilipinong mayayaman na mas lalong yumayaman?

Nasaan ang hustisya? Nasaan ang pagkakapantay-pantay ng mga taong likha ng Diyos. Hindi ba’t ang mundo ay hindi lamang sa mga mayayamang tao kundi para sa lahat? Ngunit hindi ito ang nakikita ng aking mga mata. Dahil sa maling pagkakaluklok ng mga taong napili na maupo ay mas lalong bumibigat ang problema na kinakaharap ng ating bansa. Narito ang samu’t saring ahas na nabubuhay kasama ang dungis ng makamundong mga bagay.

Hindi ko sinasabing ito’y kasalanan lamang nila. Ngunit tayo mismo, ay  may mga kasalanan din. Oo, kasalanan natin na manatiling natatapakan ng mga taong matataas. Kasalanan din natin kung bakit tayo naghihirap dahil maaring dahil na rin sa tuloy-tuloy na paglobo ng ating batang populasyon. Hanggang kalian kaya tayong mananatiling bigo at at magbubulag-bulaga sa demokrasyang ito? Dahil maging ako, isang estudyante, ay patuloy na naghuhumikahos dahil sa mga bagay na dulot ng di pagkapantay-pantay ng mga tao.
Madaming kinakaharap na problema ang ating bansa. Huwag mong hayaan na pati ikaw ay problemahin rin ng sarili mong bansa. Kung gusto natin ng pag-babago, ito ay dapat magsimula saating mga sarili upang maipakalat sa mga susunod na henerasyon ang magandang pagbabago na magsisimula sayo. Nasa kamay natin  ang pag-asa n gating bayan. Kailangan nating maging mahusay,praktikal at maingat sa lahat ng mga bagay na pipiliin natin.

No comments:

Post a Comment